FREEDOM!

I dunno if it’s a sign of some sort, but after resigning, I felt all sorts of awesome. Thursday I went to UST for the eve of the start of the Quadricentennial celebrations. Saw a former classmate, and met up with college friends. And my mom even attended, all the way from Infanta, Quezon. Oo, lumuwas pa ang nanay ko makaattend lang, as we’re both UST alumni. Basta, ang saya-saya ko nung araw na yun.

Friday, went to Little Tokyo in Makati for dinner with friends. Oks yung ambiance, and okay naman yung food, but not really mind-blowing. Tama lang. After dinner, some of us went to 7th High in Bonifacio Highstreet (formerly Club Ascend). Maganda yung place, kaso their music’s not really my thing. The DJ played mostly R&B tunes, e when clubbing, I usually prefer dance music. Not necessarily trance, but at least something with a nice and fast enough beat to get me grooving. Finished almost half a bottle of vodka, so I was pretty drunk. And I’m not a smoker, but I smoked pa, just coz I felt like it. Masarap pala sa lalamunan yung Marlboro Menthol, them black ones. But hindi talaga para sa akin ang smoking. I don’t crave for it. Saka after a while, gusto ko na lang mag-toothbrush at magmumog. Nasty sa mouth! So inuulit ko, hindi para sa akin talaga ang smoking. 😛

And, um, since my ex was feeling pretty frustrated, I sent a message through Facebook that night asking if may plans sya. Nagreply after a few hours asking if I’m home, e by that time pauwi na ako, drunk inside a taxi, at 2am. Long story short, we agreed to meet, sunduin na lang nya ako. So I went home, bathed (since by then I was only smelling of smoke and alcohol), dressed up and waited. Dumating naman after about 45 minutes, 3am if I remember correctly. So we had breakfast sa McDo near TriNoma, went to Starbucks sa Metrowalk, and talked. Well, mostly sya, since kailangan nya mag-vent. And I consider myself a pretty good listener, or at least I try.

Tas we went driving around, kwentuhan lang about random things. Takte lang nakakatawa ang tagal na yata nyang night shift at allergic na ang balat nya sa araw. Sabi ko na lang wag nyang kamutin kasi parang lumalala. Natatawa na lang ako ngayon, kasi masaya talaga kasama yun, kaya namimiss ko madalas.

Pero one thing I realized: we’re now just friends, again (kasi friends na kami noon pa, since we were kids). Exes maybe, pero romantically, wala na. And that totally ready na ako to fully move on.

Before kasi parang inuuto ko lang sarili ko na ready na ako to move on, na hindi ko na sya mahal, pero nung nagkita lang kami ulit, saka lang talaga ako nagkaroon ng closure. Wala ng questions, no more doubts or uncertainties. Aminado na ako sa sarili ko, mahal ko pa sya, and now I don’t think that feeling really goes away. Nung na-admit ko yun sa sarili ko recently, gumaan yung loob ko. Kasi ibig sabihin I’m now really just being honest with myself. Sana talaga maging masaya sya. 😀

Saturday night, impromptu dinner with friends again, this time in Handle Bar sa Makati ulit. Masarap yung food, kaso I didn’t particularly love their steak. Ayos lang, but again, not mind-blowing. I love their other menu items better. Tas yun, kwentuhan about love with my friends. I told them about my random meet-up with my ex, and that no, it wasn’t a booty call. “C,” my friend, is having problems with her current boyfriend. “K” naman is also having problems with her jerk of a non-boyfriend/unknown. I kinda feel for them. Sigh.

So yun lang, just sharing. And rambling. Past 3 days was absolutely amazing. Natural high. Kayo? Anong kwentong Rebisco nyo? 😀

Advertisements

Tamang Trip

♪ All my bags are packed... ♫

So wala na akong trabaho (na full-time) after ng week na to. Happiness! Hahaha… Pero kelangan ko mag-ipon.

Kailangan ko mag-ipon dahil mahilig akong magpunta kung san-san at maglayas lagi. May mga nakaplano na nga akong lakad this year e. Actually, feeling ko puno na nga. Last year I traveled by plane six times, and went on a road trip three times, so basically, I went out of town nine times (out of the country pa yung isa) at eight different destinations. Lakwatsero kasi ako. Sabi nga naman ng isa kong nabasang proverb, mas sasaya ang isang tao sa experiences kumpara sa material things. Magastos nga lang, pero ayos lang. 😛

This year, nagkakaayaan na naman magtungo sa mga lugar na di ko pa nararating (mostly). For Feb, day trip to Naga City with one of my college best friends (na nakasama kong lakarin ang kahabaan ng EDSA from Taft to Muñoz dahil, wala lang, trip lang namin). Alis kami ng Feb 11 ng gabi by bus, darating kami ng Naga ng madaling araw, then back to Manila na by bus ulit pagdating ng gabi. Wala. Trip lang namin ulit. 🙂

By May naman, yung pinapasukan ko dati, company outing ulit nila sa Boracay, e since gusto ko na rin lang naman bumalik sa Bora and ok naman ako sa kumpanya ko dati kahit umalis ako (I assume since di naman nila ako pinaalis nung umattend ako uninvited ng Christmas party nila), e why not, di ba? Sasabay na ko sa outing (kasama nung isa kong friend na dun din dati nagtatrabaho). Ito rin yung rason kung bakit I’m going on a diet and doing exercise. Admittedly, hindi ko naituloy ang pagpapaka-vain ko so start ulit ako this week. Malapit na mag-summer! Mainit na nga e. 😛

By May din, baka pumunta ako kasama ng seatmate ko nung college graduation (dun lang kami nagkakilala at ngayon e friends na kami hehehe) sa Zambales or sa Puerto Galera, depende sa magiging desisyon nya. Pareho ko pa namang di napupuntahan yun so ok lang sa kin. Ang mahalaga ay makapag-beach. 🙂

Tapos, sa October 16, pupunta naman kami kasama ng family ko sa Iligan, bibisitahin kasi namin yung puntod ng tito ko. Siguro 2-3 nights din kami dun. Buti na lang, meron akong kakilala dun (bukod sa mga kamag-anak namin of course), at nag-offer pa syang i-tour ako. Bait no? Last time kasi na nakapunta ako ng Iligan was 18 years ago. And I was only 7 then, so malamang marami na ang nagbago, at malamang lahat nung nakita ko dati e hindi ko naman maalala ng buo. Bukod dun sa bahay ng tito ko at yung swimming pool resort na pinuntahan namin, yun ay kung bukas pa yun.

Di ko pa alam kung mag-a-out-of-town ako sa birthday ko sa September, o house party na lang o ano man. Wala pang balak lumayas with my college barkada, although nagkakaayaan sa Bohol, I’m not really too keen kasi dalawang beses na ko nakakapunta dun so medyo nagsasawa na ko. Pero if ever, baka umalis kami ng June or July. Kahit nga Tagaytay lang solb na ko e, tutal favorite place ko naman yun.

Pero magfocus tayo sa Naga. Hahaha… Actually, dalawang rason kung bakit ko gusto pumunta dun. Una, di pa ko nakakarating anywhere sa Bicol Region, so syempre, wala akong alam. Exciting. Bagong place to discover para sa akin (at sa bestpren ko, of course). At pangalawa. Well. Hahaha. Kasi nandun si MD (from this entry: http://wp.me/p11Srg-R) at, kung mangyayari man, e mameet ko na sya in person. Wala naman akong balak suyuin sya o anu pa man, tutal sya na din naman ang nagsabi na hindi naman sya naghahanap ng romantic relationship, and I respect that decision. Gusto ko lang sya talagang makilala. We’re friends naman. We’ve been chatting since September tungkol lang sa kung anu-ano. Tignan ko lang kung anung dynamic namin. Yan ay kung magkakaron ng pagkakataon na mag-meet kami. Kasi kung hindi naman, ok lang, no biggie. Hindi naman sya ang ipinunta ko dun (talagang kunyari pa ko, no? Hahahaha).

So, yun lang naman. Byumahe tayo, mga kapwa Pinoy. Madaming magagandang lugar dito sa Pilipinas, tas sobrang enriching pa when you travel. Hindi lang pictures ang maiuuwi nyo, may memories pa, na whether good or bad, you will cherish for a lifetime. And of course, you might get to meet awesome people! Travel, make friends, and be happy! 😀

How unprofessional of me!

Wala. itapon na ang career! Wala na!

Shetmuch.

So, ngayong mga minutong ito, sobrang binabalewala ko na ang aking current job. Bakit? Ayon sa mga nakaraan kong posts, WALA SYANG KWENTA. Buti sana kung sweldo lang ang habol ko. Well, sabihin na nating partly, yes, sweldo. Pero mas malaking pursyento ng hinahanap ko sa trabaho: experience. Mas gusto ko kasi yung may natututunan akong bago. Actually, feeling ko kaya ako tumagal dun sa pangatlo kong trabaho dahil ang dami kong natutunan. Kasi, at the end of the day, you only get better at what you do with experience. Parang RPG lang, lalo kang lalakas pag mas maraming EXP points (sa mga gamers dyan, you know what I mean).

At nababalewala ko sya dahil? Rumaraket na lang ako. Seryoso. E kasi, nung diniscuss pa lang sa akin sa raket kung anu yung gagawin at mga gagawin pa para dun sa kliyente, e ilang oras lang yun, ang dami-dami ko ng natutunan. Kulang na lang sumabog na utak ko. Sarap ng feeling. Sarap ng feeling na may silbi (kahit gaano kababaw) yung ginagawa mo, na at least, may sense sya.

Nga pala, para sa mga hindi nakakaalam, isa akong Graphic Designer. Sa Ad Agency. So, yun.

Importante sa akin ang may natututunan ako. Na may sense yung ginagawa ko. Kumbaga, pinaghalong forces ng left at right brain, creativity and logic. At yung end result, pag maganda, masaya! Portfolio-worthy! Award-winning! Hahaha… Well, sige, hindi pa naman award-winning, pero sana getting there.

Ayaw ko din kasi yung naiitchapwera yung growth ko. Kung hindi importante yun para sa kumpanya, pwes, hindi rin importante para sa akin yung kumpanya. If I stay, I’ll end up resenting the company, the people who run it, and myself. Since I don’t need additional grief, wag na uy. Babay!

Ngunit, hindi tama tong ginagawa ko. Ang last day ko ay sa January 28 pa (ayon sa resignation letter ko) pero dati pa ko tinatamad pumasok. Ipa-shorten ko na kaya, ano? Hanggang this Friday na lang. Wala na din namang use to stay. For their benefit sana kaya hanggang 28 yung nilagay ko, e I can’t for the life of me find a single reason to even wake up so goddamn early to go to that hellhole.

Pero bad. bad tong ginagawa ko. Nagta-trabaho na ko for another company. Shet. masama akong tao, wag tutularan.

Hanggang dito na lang tong post, may tinatapos pa kasi ako. Inuulit ko: wag nyo kong tutularan. 😛

From the bottom of my broken heart

Cue Britney.

Sigh. Basted na naman. Actually, I dunno what to put in this post, but I just feel as if I have to do something, anything, to… Well, actually I dunno why I have to do what I feel like doing. I don’t even know what I really feel like doing. Compound problem na ata ito. I’m still, well, i just think ha. I still feel generally unhappy. Sa career (kasi walang kwenta yung trabaho ko ngayon). Sa lovelife (kasi wala pa din). Sa family and friends, ok naman. I still at least have a social life. Or what’s left of it, anyway. And I basically gave up my sex life nung may seseryosohin na sana ako, yun pala may dine-date ng syang iba, and they want to make it exclusive. Sigh.

Gusto ko sanang magpaka-Meredith Grey at sabihing “Pick me. Choose me. Love me.” Kaya lang parang OA naman kasi. Saka masaya naman ako para sa kanya. Pero damn. Didn’t anticipate that it’ll hurt like fuck. Sigh.

So since I resigned nung January 11 (my last day will be on the 28th), and wala pang kapalit na work, I’m still basically applying (although I do have freelance), I’m practically jobless and loveless. Putangina lang, di ba?

Ayaw ko na kasi ng landian lang. One time deal. Tikim tikim. I have my own life naman, but ideally, I wish to share it with someone special. Wag naman anyone, yung tipong mamahalin naman ako at yung mamahalin ko din naman. Gusto ko pa nga maikasal e. Again, sucker for romance here. Nothing against having one-night-stands (or two, or three, you get my point), but geez.

So, the search for the next “The One” continues. Minsan lang kasi, nakakapanghina ng loob. Parang nagiging dream job kasi, na you have to have a kick-ass resumé para lang matanggap. I mean, I think I’m okay naman. I’m smart. I’m nice naman, patient, especially for a special someone. I’m not really seloso or anything, tama lang. I’m talented naman when it comes to art and shit. Well, I’m not super hot nga lang, but I think physically I’m acceptable naman. I have a wide array of interests. I’m honest pa, sometimes to a fault. I’m supportive, understanding and loving. Mataas naman ako mangarap. And when the going gets tough, I don’t quit naman easily, unless mukhang wala na talagang patutunguhan (like my job ngayon). So ano lang, frustrating. Kasi I believe I have a lot to offer. Ang tanong, kanino ko naman io-offer yun? Sigh.

Sana lang, sana, magamit ko tong nararamdaman ko ngayon to do something productive, kahit for myself lang. As a fuel, to get me going for something. I’m not naman giving up hope, alam ko naman, one day, darating sa buhay ko yung special someone na yun.

Ika nga ni pareng Tiesto: “Love Comes Again.”

Trance Nation

I’ve discovered a love for dancing during third year high school, at our JS Prom. I’m not really Maneouvers-level skilled at it, but I know at least how to move to the beat. I’m thinking of getting some dance lessons, though.

Anyway, I’ve been into dance-able music, anything upbeat really, for years. Not really a fan of slow music or anything ballad-esque. Nothing wrong with those types of music (I do have some faves), but if I’m gonna have some music with me, it’s not for easy-listening. It has to be up-tempo. I can also do alternative rock, and it has to be just loud and upbeat, but not screamy.

So since I’m the kaladkarin-type, I was introduced to clubbing by officemates during 2007. Let’s just say it was a revelation. Trance music blaring from the speakers full-blast, the sound overwhelming your senses, it’s amazing! You cannot help but dance, like the music directs your movement and you’re just along for the ride. I love the feeling.

The point of this post? Well, I’m going to be sharing some of my fave electronica tracks. Maybe some of you have heard these. In any case, I enjoy these tracks because I think they are positively mind-blowingly eargasmic. So without further ado, here are my go-to dance music:

1.) Ferry Corsten: “Rock Your Body Rock” (F. Massif Remix)

2.) Tiësto feat. BT: “Love Comes Again”

3.) Basement Jaxx: “Where’s Your Head At” (Klaas Remix)

4.) Get Far: “Shining Star” (Cutmix 2007 Remix)

5.) Madonna: “What It Feels Like For A Girl” (Above and Beyond Club Mix)

6.) Hed Kandi: “Man In The Mirror”

7.) Andy Hunter: “Go”

8.) Kylie Minogue: “All The Lovers” (WaWa and MMB Edit)

9.) Tiësto: “Adagio For Strings” (Long Version)

10.) Ferry Corsten: “Radio Crash” (Original Extended)

I’m kinda partial to Ferry Corsten (coz I think his tracks are unbelievably amazing), with Tiësto coming at a close second. I’m lucky enough to have watched and experienced Ferry’s music live during Bigfish Manila’s Innovation Black 2010 (May 21, 2010). Gotta say, one of the best nights of my life. 🙂

Happy listening!

By uberpsi Posted in Rave

The Summer Bod Project

So ito na talaga, 2011 na. Time na for a new body. Kasi naman, nakasasawa din kasi yung pag nakikita mo yung tiyan mong malaki (na maliit naman nung college), na di ka fit, nakade-depress. Masarap sanang sabihin na kasalanan to ng society, kasi meron silang halos iisang perception when it comes to “beauty.” Aminin mo, nagsta-strive ka din for perfection, or kung anu may yung “ideal” para sa yo. Marami na tuloy kamakailan ang naglipana sa gym, sumasali sa fun-run (actually since hindi ako runner talaga, hindi sya “fun” for me so isang beses lang ako lumahok), nagbabadminton, ultimate disc, dance, at kung anu-ano pang aktibidades.

Ngayong taon, papairalin ko na ang pagiging vain ko.  I’ve started P90X again (bale it’s a 90-day at home workout regimen), at since mental naman talaga ang labanan, I shall will my willpower to force me to exercise (as in ganun dapat ka-grabeng pilitan ang maganap). May pacing naman, pero dapat mentally into achieving your goals ka din. Mind over matter, ika nga. O kaya “Just Do It” ng Nike na lang tatandaan ako. Wag na mag-inarte, wag na magreklamo, sige lang ng sige. 🙂

P90X Extreme Home Fitness Workout Program

Tapos, syempre katuwang nito, I’ve also started my healthy diet rituals:

1.) Walang rice (at all). Actually this part is easy for me because I don’t really like rice that much. It’s not my staple food. Mahilig akong magpapak so I can survive with just a viand.  A platito-full will do.

2.) I’m also eating like 5-6 times per day, bale 1 meal after every 2-3 hours, so my metabolism won’t slow down. Bale breakfast (8am), morning snack (10am), lunch (12nn), afternoon snack (3pm), evening snack (6pm), then dinner (8pm).

3.) I’ve also cut down on processed carbohydrates. Una nga dun is rice. I also limit my sugar intake. The only “sugar” I consume are from fruits and honey.

4. Balik na ko sa milk-green tea-and-water only beverages ko. Of course, may occasional coffee and softdrink, pero kung kape naman I can take it black at kung softdrinks, meron namang Pepsi Max at Coke Zero.

5.) Iwas din sa excessive salt. Bloated pa ang feeling e, may water retention na nagaganap.

6.) Dagdag intake ng fiber. Para ok ka tiyan.

7.) Balanse dapat lahat. Saka I won’t deprive myself. Kung meron akong cravings, I’ll allow myself pero once a week lang. Kasi pag sobrang gigipitin ko sarili ko mas lalo ko to di maipagpapatuloy.

Going all natural!

So exercise and diet are down. Ano pa? E di yung complementary rituals. Tadah!

Every weekend, I’ll have detox. Para naman malinis yung katawan ko from the inside. Flush out toxins ba. Kabi-kabila ba naman yung mga alcohol, chemicals at kung anu-ano pang nakaka-degrade ng system ng katawan, so dapat talaga gawin to.

Tas every month naman, I’ll try those colon detox. Maraming benefits naman pala if you have your colon cleansed. Iwas skin problems, health problems, lalo na colon cancer. I’ll try Amezcua, or kung maka-book ako ng room, sa The Farm (at San Benito). Pwede ko din try yung sa Makati kaya lang di ko alam kung bukas pa. Sayang, wala na yung dito sa Greenhills. :/

All of this are for my brand-spanking new body for 2011 summer. We (my friends and I) are planning on going to Boracay kasi by May. E ang kapal ko naman kung puro flabs, taba at tiyan na naman ang ididisplay ko dun. Yun lang naman. Saka para naman masubukan kong magka-abs. Sana sana. Saka yun nga, para healthy na din ako, di lang sa panglabas. Nyak.

Also, for one of my planned tattoos na I’ll be getting by March or April, sana may korte na yung shoulders at arms ko. Feeling ko mas magmumukha kasing maganda. 🙂

Time na ulit mag-diet-diet, gym-gym at magpaka-vain! 3 months na lang, most of us will be hitting the beach! Lezgo! 🙂

Movie Review: RPG Metanoia

I’m of the opinion that the local film industry has been lacking in quality for years now. Sure, there are gems that you can at least say “Hey, I watched that,” but that’s too few and far between. Most of the films produced locally are either just to earn money or just to… earn money. Even the indie films are not really that good (most are just made because there’s hype for it).

So to watch something worthwhile, something extraordinary, is a gift. RPG Metanoia is one of those. The quality and the execution is damn near perfect. Granted, the local digital technology may take a few more years until it reaches the same level that Pixar is on, but I think due to this film, we’re well on our way.

Some spoilers ahead:

I liked that the story presented the local Pinoy culture: tricycles for transportation; street games like patintero, taguan, tumbang preso, agawan base, piko, sipa, touch ball, etc; the use of “Po” and “Opo,” familial ties even when one of the parents are abroad, and more.

I also like the quality of the animation. The animators made sure that there’s a difference between the “real world” versus the “game world” because the story is basically about the MMORPG (Massively Multi-player Online Role Playing Game) “Metanoia.” The audience can see a subtle difference, at least.

I liked the details of the environment. Alam mo kasing masusi yung quality control because everything was familiar. If you grew up here in Manila (or basta within the Philippines), you’ve probably seen some of the stuff they’ve included like the circular garden chairs, tindahan and such.

The voice acting was also top-notch, kaso sana they didn’t get na lang well-known actors. I could identify Aga Muhlach, Eugene Domingo and Vhong Navarro. Hindi nila naiba yung boses nila enough so that the characters could remain as themselves, rather than being voiced by their respective actors.

Pero overall, this a major step in local digital animation. First full-feature film ba naman na fully animated e. Pati yung fight scenes, bilib. or sabi nga sa movie “Astiiiig!”

As for the characters, likable naman lahat, but fave ko yung mga hirit ni Mark at yung mga non-hirit ni Daniel. And if you will be catching it (please do), wag muna kayong aalis until matapos yung credits. Parang X-Men the Last Stand lang.

I’ll give it 4 out of 5 stars. Till the next one! And excellent job, Ms. Ana Katrina Pangilinan! 🙂